Follow us on Twitter Subscribe to RSS Subscribe via Email
Kijie Encomienda     /  , , ,   /  2 comments

Mark Herras Admits Having a 3 Year Old Baby Girl


Kapuso Actor, Mark Herras confessed of fathering a Baby Girl named 'Ada' who's according to him is now 3-months old.

"Unang-una po, first time kong sasabihin ito sa buong tao, sa media, sa TV...Meron na po akong anak. She’s a girl, three months old, siya po yung first baby ko sa buong buhay ko. Iyon po yung gusto kong sabihin sa lahat ng tao. Iyon po ang gusto kong aminin. Ada, meaning first baby girl.”

Mark also admitted his unfaithfulness with Ynna Asistio, her ex-girlfriend for 5 years and if its the reason of their break-up.

Mark confessed, “Actually, opo. Alam ko yung pagkakamali ko. I said sorry to her, to her family, alam ko yung nagawa ko na mali, alam kong malaking kasalanan yung nagawa ko. Pero andiyan na yung baby, e. Hindi naman puwedeng sabihin na kalimutan ko yung baby, piliin ko sila, 'di ba? Dugo ko yung bata, anak ko po yun, ako yung daddy. Alam ko galit sila, alam ko na nasaktan sila.

"Kung hindi man nila matanggap yung sorry ko, siyempre po wala akong magagawa dun. Pero ayun po, kung sana maintindihan nila ang sitwasyon ko. Tao lang din po ako, nagkakamali rin po ako. Inaamin ko naman po na malaki yung kasalanan ko"


Ricky Lo asks if its the reason why his 5 years romance with now Kapamilya Star Yna Asistio ended up last year. "Hindi naman po." Mark said.

Why admit only now, asked by Startalk host Butch Francisco.

"Kasi siyempre, artista po ako. Unang-una, 'pag nalaman ng tao na meron kang anak, 'di ba, siyempre maaapektuhan yung trabaho mo, yung buhay mo, yung career mo. Pero by this time kasi, kaya ako naging matapang, kasi sawang-sawa na akong mag-deny, e. I’m very proud of Ada dahil siya po ang aking first baby girl. Kaya po ako umaamin ngayon sa harap ng maraming tao, sa studio, sa TV, sa media, para po matigil na yung kakatanong nila sa akin tungkol sa baby,” mahinahon niyang pahayag.

Its All About The Baby

“Ang napag-usapan talaga namin ngayon, it’s all about the baby, the future of the baby. Siyempre bata pa lang siya, so may binyagan, 'tapos mag-aaral 'yan someday. Basta ako po, ang plano kong gawin talaga sa buong buhay ko, is to be the best daddy for my Ada. Opo, mahal na mahal ko po yung bata.”

Asked For Forgiveness.

"Unang-una po, I’m so sorry, Ynna, Tita Nadia, Tito Boy, and the whole family of Ynna, actually. Sobrang-sobrang sorry po sa nagawa kong kasalanan sa inyo. Hindi ko po gustong saktan yung anak ninyo o yung pamilya ninyo, pero hindi ko na po kasi maitago si Ada. I mean, baby na po yung usapan, e. Alam ko sobrang laking kasalanan ang nagawa ko sa kanila. Hindi ko alam kung matatanggap nila ako ulit or mapapatawad pa nila ako someday or kung anuman. Pero this time, I just wanna say I’m really sorry. Basta ngayon, ang aking target sa buhay, ang goal ko is to be there for Ada."

About His Lovelife

“Wala na po muna, focus po muna ako sa aking anak.”

Message for Fans and Supporters

“Sa mga fans, alam ko magugulat po sila. Depende po sa kanila yun kung susuportahan pa nila ako, kung mamahalin pa nila ako. Pero I’m only asking na sana po, maintindihan ninyo yung sitwasyon ko, kasi po lahat naman ng tao dumarating sa ganito, e. And yung edad ko po ngayon, I’m already twenty-seven, 'di ba? So, hindi na rin po mali na magkaroon ako ng baby sa ganitong edad. Nasa tamang age na po ako, e. Twenty-seven na po ako, e. So, sana po dun sa mga fans, sa mga nagmamahal sa akin, sana po 'andiyan pa rin kayo para suportahan ako. mSana po huwag kayong magalit sa akin. Andito po ako ngayon sa harapan ninyo, nagsasalita, umaamin. Sinasabi ko po lahat ng totoo, na I’ll be a good father to my baby, to my Ada, to be a responsible father for my baby.”

Message For His Baby Girl.

“Ada, I’m so sorry kung matagal kitang aminin sa lahat ng tao, pero I promise you and to your mom na I’ll be there always. To support you sa lahat ng bagay, hanggang sa paglaki mo, hanggang sa mag-aral ka na. At naku, Ada, mahihirapan kang magkaroon ng boyfriend, dahil ako ang tatay mo! Mahihirapan ka, seryoso ako. Ada, mahal na mahal kita, kaya ko ginagawa ngayon ito dahil sa pagmamahal ko sa iyo. Kaya ako umaamin sa harap ng lahat ng maraming tao, sa buong mundo, umamin ako dahil sobrang mahal kita.”


For more updates straight on your feed, please follow us on Twitter: @dailybabbleph, like us on Facebook: dailybabbleph and leave your comment below. Thank you for your support!!!

2 comments:

  1. Only proves na hindi tagal ng relasyon ang patunay kung gaano ito katatag! Nakakaawa lang din si Yna kasi inamin niya na si Mark yung first niya pero eto unfaithful pa pala for 5 years na naging sila. Tsk.

    ReplyDelete
  2. Sad. :( They're a cute couple. I still hope there's still a chance for them.

    ReplyDelete

Anything to say?

Book your next flight with Priceless Travel!